Sunday, April 11, 2010

Make Money on the Internet/Gumawa ng pera sa Internet

Akala ko nung una ganun lang kadaling kumita sa Internet. Akala ko basta may ads na sa blog eh may pera na. Hindi pala ganun, kailangan pa pala ng ibayong hard work para mapansin sa malawak na mundo ng world wide web ang blog mo. Siguro masasabi kong hindi pa ganun kalalim ang nalalaman ko patungkol sa gawaing ito dahil alam ko na marami pa akong dapat matutunan sa larangang ito bago ako kumita sa pamamaraang ito ng malaking bulto ng salapi na gaya ng ibang blogger sa panahong ito. May nabasa pa nga akong blog ng isang Filipino blogger(tagalog kasi ang blog nya) patungkol sa niche na ito at naisaad nya doon na hindi nga ganun kadali magkaron ng pera sa blogging. Sabi pa nya, "hindi porke may blog ka eh kikita ka na, kailangan mo din ng hardwork at imaintain ang content ng blog mo para makahikayat ka ng mga tatangkilik sa mga sulat mo". Dahil dito nalaman ko na kung ang nais ko ay kumita sa pamamagitan ng blogging, kailangan kong maging magaling at matalinong manunulat upang tangkilikin ng mga mambabasa sa sanlibutan ng Internet ang mga content na ilalagay ko sa blog ko. In other words, I have to be even just close to a professional writer's manner when writing. Sabi pa ng iba kailangan daw english ang blog mo para kumita ka, eh bakit nakakakita ako ng mga blogs na tagalog pero may mga advertisement ng isang sikat na site na mahigpit daw sa pag aaprove ng mga blogs na paglalabasan ng ads nila. Kaya eto sinubukan kong magsulat ng tagalog para subukan kung masususpindi ako sa advertisment site na kinabibilangan ko sa kasalukuyan. Kasi it's not stressful to use your own native language rather than pretending that you're fluent in some other language which is not your native one. Kapag nasubukan ko ito at hindi ako nasuspindi maaari ko na itong gawin kahit kailan ko gusto kasi from the first place eh kaya naman ako nagboblog eh para mawala or maease yung stress ko kasi nailalabas ko ang mga sama ng loob ko sa blogging. Eh kung english ang magiging medium ko dito eh baka lalong dumami ang wrinkles ko sa pagpili ng mga akmang salita kapag nagsusulat ako ng mga articles upang idadag sa content ng blog ko.

P.S.
Para sa mga makakabasa nito. Maari po kayong makipagpalitan ng suhestiyon sa author ng blog na ito sa pamamagitan ng pag iwan ng comment sa ibaba. Makakaasa kayong sasagot kaagad ang author ng blog na ito. Maraming Salamat.

1 comment:

  1. Great post!!

    Earn while you enjoy time with your Family & Loved ones!
    Join us today visit http://www.unemployedpinoys.com

    Unemployed is Brave and a choice to be a Freeman.
    To get a form visit my Blog
    Facebook

    HAPPY WORKING AT HOME :)

    ReplyDelete

Powered By Blogger